Ganap nang naayos ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at ng bansang Kuwait hinggil sa ginawang pagsagip ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa mga OFW na nakararanas ng pang-aabuso sa kanlang mga amo.
Ito’y ayon sa Malakaniyang matapos ang ginawang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh.
Sinabi ni Presidential Spokesman harry Roque, wala aniyang dapat ihingi ng paumanhin sa pamahalaan ng Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi naman aniya big deal ang insidete kung ang bilateral relationship ng dalawang bansa ang pag-uusapan.
Nanindigan si Roque na hindi patatalsikin ng Pilipinas ang kinatawan ng Kuwaiti Government sa bansa taliwas sa panawagan ng mga Kuwaiti officials na ipa-recall si Althwaikh.
Magugunitang naghain ng dalawang diplomatic protest ang Kuwait laban sa Pilipinas matapos na masamain nito ang ginagawang pagsagip ng embassy officials sa mga distressed OFW’S sa Kuwait na nag-viral pa ang video sa social media.