Kaagad pinareresolba ng IOC International Olympic Committee at OCA o Olympic Council of Asia ang gusot sa POC Philippie Olympic Committee.
Sa ipinadalang sulat ng POC ..nagbanta ang Olympic Governing body na hindi magdadalawang isip ang IOC at OCA na magpataw ng mabigat na kaparusahan kapag hindi naresolba ang problema.
May malaking epekto anito sa reputasyon ng Pilipinas at sa ibang bansa ang nangyayaring internal at personal na alitan sa loob ng POC.
Ibinabala pa nito ang posibleng epekto sa gaganaping International Sports Events kabilang na ang Olympic Games sa Tokyo 2020 bukod pa sa hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games mula November 30 hanggang December 11.
Magugunitang nagsimula ang alitan nang tanggalin ni dating POC President Ricky Vargas si Peping Cojuangco at iba pang mga opisyal nang magkaruon ng awayan nuong may 27 sa ginawa nilang General Assembly.