Hindi mareresolba ng arbitration case ng Pilipinas kontra China ang gusot sa West Philippine Sea.
Ito, ayon kay nanyang Technological University Prof. Mingjiang Li, dahil lalo lamang umanong titindi ang girian ng 2 bansa kapag naglabas na ng hatol ang permanent court of arbitration sa ilalim ng United Nations o UN hinggil sa usapin.
Una nang dumulog sa UN Tribunal ang Pilipinas upang pumagitna sa usapin dahil naniniwala itong sa pamamagitan nito’y maaayos nang mapayapa ang agawan sa teritoryo
Babala pa ni Li, kapag pumabor sa Pilipinas ang desisyon ng un tribunal ay tiyak umanong magdudulot ito ng mas marami at mas matindi pang pag-aagawan.
By: Jelbert Perdez