Nagbabala ang UN World Food Programme (WFP) sa paglala pa ng nararanasang gutom sa Africa dahil sa mataas na demand sa pagkain at kakulangan ng pondo.
Ayon kay David Beasley, WFP, mapipilitan silang bawasan ang rasyon ng pagkain partikular sa ilang parte ng East at West Africa.
Kinabibilangan ito ng mga bansang Ethiopia, Kenya, South Sudan, Uganda, Burkina Faso, Cameroon, Chad, Mali, Mauritania at Niger.
Samantala, ibinabala rin ni Beasley ang kahalintulad ding senaryo sa Angola, Malawi, Mozambique, Republic of Congo, Tanzania at Zimbabwe.
Una nang umapela ang WFP ng $426-M na tulong upang tugunan ang nararanasang gutom sa Africa.