Binuksan na ng NKTI o National Kidney and Transplant Institute ang gymnasium nito para sa dumadaming dialysis patients na halos apat na beses na mas marami sa kapasidad ng emergency room ng ospital.
Ipinabatid ni Dr. Joseph Jaro, Deputy Executive Director for Hospital Support Services ng NKTI na sumipa na sa 158 ang na-a-admit sa ospital taliwas sa hanggang 40 pasyente lamang na kaya ng kanilang emergency room.
Mahirap aniya ang sitwasyon ngayon kaya’t binuksan na nila ang kanilang gymnasium at inilipat dito ang dalawampung pasyente para magamot ang mga ito.
Sinabi ni Jaro na mayorya ng 158 patients ay kailangang i-dialysis at 8 lamang dito ang COVID 19 positive na inilipat na rin nila sa COVID 19 unit ng NKTI.