Nagbabala ang isang health expert na hindi dapat mag pakampante sa posibleng rebound na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ayon kay up Executive Vice President Teodoro Herbosa ay sa gitna nang pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa araw araw.
Sinabi ni Herbosa na mayruong rebound ng kaso tulad nang nangyari sa South Korea at Singapore na kapwa expert at magaling sa ginawang pagtugon sa COVID-19 subalit nagkaruon ng rebound o biglang pagtaas ng kaso.
Ito aniya ang isa sa dapat tingnan ng gobyrno sa pagpapasya kung babawiin o palalawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) na kung aalisin ay dapat nakahanda ang bansa sa pagsipa ng kaso o kaya naman ay puwedeng localized ang pagpapatupad nito.