Umabot na sa 2.7 kilometro ang haba ng lava flow na patuloy na umaagos sa bahagi ng Mi-Isi Gully ng Mayon volcano sa lalawigan ng Albay.
Batay sa pinakabagong ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo ng mas mahaba ito kumpara sa 2.23 kilometro nitong Sabado.
Habang nasa 1.3 kilometer pa rin ang haba ng lava flow sa bahagi ng bonga gully at nakapagtala ng apat na volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras.
Ngunit pumalo sa 397 ang rockfall events ang naitala na mas mataas kumapara sa 254 kahapon.