Nakaapekto ng malaki sa paghina ng agrikultura ang pananalasa ng Habagat at pagpasok ng bird flu sa Pampanga at Nueva Ecija.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, ang pagbaba ng kontribusyon ng agrikultura sa ekonomiya ay bunga ng paghina ng fisheries sector sa nakalipas na siyam (9) na buwan dahil sa panahon ng Habagat.
Paliwanag ni Piñol, ito ang panahon na hindi nakapaglalayag ang mga mangingisda dahilan para kumonti ang mga nahuhuling isda na ibinebenta s merkado.
Dagdag pa ni Piñol, malaki din ang naging epekto ng pagtama ng bird flu sa bansa kung saan limitado lamang ang mga ibinebentang poultry products.
Gayuman tiniyak ni Piñol na maganda pa rin ang livestock performance ng bansa dahil sapat pa rin ang suplay ng mga manok at baboy sa mga pamilihan.