Paminsan-minsang mga pag-ulan na lamang ang mararanasan sa Metro Manila, rehiyon ng Ilocos, CALABARZON, MIMAROPA at mga lalawigan ng Bataan at Zambales.
Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat pagkulog ang inaasahan sa Kabisayaan at natitirang bahagi ng Luzon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Mindanao.
Nakataas pa rin ang gale warning sa mga karagatan ng Luzon at Visayas.
Asahan na ang banayad hanggang sa maalon na mga karagatan.
Samantala hihina na naman ang habagat kaya asahan na ang pagbabalik ng mainit na panahon sa Metro Manila simula araw ng Martes.
By Mariboy Ysibido