Asahan na ang paghina ng Southwest Monsoon o habagat sa susunod na linggo.
Ito, ayon sa PAGASA, ay dahil sa inaaasahang pag-iral naman ng Northeast monsoon o hanging amihan.
Simula sa unang linggo ng Oktubre ay posibleng magsimula ang transition period o paglalaho ng habagat patungong amihan season.
Magugunita noong 2020 ay Nobyembre 6 na idineklara ng pagasa ang pag-iral ng amihan.—sa panulat ni Drew Nacino