Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Kabilang sa makararanas nito ay ang Ilocos Region, Batanes at Babuyan Islands dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Batay sa ulat ng Pagasa, posible rin makaranas ang nasabing mga lugar ng pagbaha at landslide sa panahon ng moderate to heavy rains.
Samantala, makulimlim at bahagyang pag-ulan naman ang mararanasan ng Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.
Ang mga probinsiya ng Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay magiging partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers at thunderstorms.
Ang mga coastal waters naman sa Luzon ay magiging moderate to strong at may alon na 4 na metro ang taas. Habang sa Visayas ay magiging moderate to strong na may alon na 2.8 meters at sa Mindanao ay magiging slight to moderate.