Dalawa ang kumpirmadong nasawi, isa ang sugatan habang isa rin ang nawawala dulot ng pag-ulang dala ng hanging habagat na pinaigting pa ng Bagyong Inday.
Kinilala ng NDRRMC ang mga nasawi na sina Luisa Fanged residente ng Bontoc, Mountain Province at Antonio Cudiamat na unang napaulat na nawawala at kalauna’y natagpuang palutang lutang sa karagatang sakop ng Talisay, Batangas.
Kinumpirma rin ng NDRRMC ang isang nasugatan mula sa Mountain Province habang isa naman ang naitalang nawawala na kinilalang si Brix Boticario na taga Cainta, Rizal.
Batay din sa tala ng NDRRMC, tinatayang halos 200 pamilya o katumbas ng mahigit sa 46,000 indibiduwal ang naapaketuhan ng hanging habagat.
Nalubog naman sa baha ang pitong lugar sa Metro Manila at mahigit 200 bayan mula sa Regions 1, 3, 4-A at CAR.
Samantala, walang naitala ang NDRRMC na mga na-istranded na pasahero sa mga pantalan pero isang rolling cargo at isang motor banca ang naantala ang biyahe dahil sa sama ng panahon.
(with report from Jaymark Dagala)