Bahagya pang lumakas subalit bumagal ang bagyong Julian habang binabagtas ang direksyon patungong West Philippine Sea.
Batay sa datos ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Julian na nasa layong 870 kilometro silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 90 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyong Julian pa timog kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Inaasahang lalapit pa ito sa bahagi ng Cagayan sa susunod na 24 oras sa layong 860 kilometro Silangan ng Tuguegarao.
Subalit ayon sa PAGASA, muling aakyat pa Hilagang Silangan hanggang pa-Hilaga ngayong weekend at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Lunes, Agosto 31.
Gayunman, patuloy na paiigtingin ng bagyong Julian ang hanging Habagat na siyang magdadala naman ng mga pag-ulan sa gitna, silangan at hilagang Luzon.
Kaya’t inaabisuhan ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot ngayong weekend hanggang Lunes dahil sa matitindi at malalakas na along dala ng habagat dulot ng bagyo.