Patuloy na nakaaapekto ang southwest monsoon o hanging habagat sa katimugang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao
Dahil dito, asahan na ang maulap na papawirin na may kasamang kalat kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Mimaropa, Kanlurang Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM.
Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan.
Inaasahan namang maaliwalas ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng Visayas at Mindanao maliban na lamang sa mahihinang pag-ulan sa hapon o gabi.
Patuloy naman binabantayan ng PAG-ASA ang isang LPA o Low Pressure Area sa labas ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Namataan ito sa layong 1,495 kilometro silangan ng Northern Luzon.
Gayunman, hindi inaasahang papasok ito sa bansa.