Nagretiro na bilang isa sa mga mahistrado ng Supreme Court ang tinaguriang “habal-habal judge” na si Associate Justice Edgardo Delos Santos.
Isang natatanging retirement ceremony ang ibinigay kay Justice Delos Santos o kilala rin sa tawag ng kanyang mga kapwa mahistrado bilang “Justice EDSA.”
Bagaman sa isang taon pa sana niya maaabot ang mandatory retirement age na 70 para sa isang mahistrado ng korte suprema, minabuti ni Delos Santos na mag-retiro na ng mas maaga sa puwesto epektibo ngayong araw.
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice EDSA sa SC noong December 2019 bilang ika-186 na mahistrado ng Supreme Court.
Kilala si Delos Santos bilang habal-habal judge ng Dumaguete dahil naka-motorsiklo lamang ito noon para ihatid ang kanyang misis at mga anak papasok sa paaralan.— Panulat ni Drew Nacino