Nagpasaklolo na ang mga pasahero ng barko sa Department of Transportation sa gitna ng sobra umanong taas ng pasahe ng mga shipping liner sa bansa.
Kabilang sa mga nagrereklamo ang mga dumaraan sa Batangas Port, lalo na ang mga patungong Oriental Mindoro ngayong holiday season.
Pinaka-mahal sa fastcat kung saan 542 na mula sa dating P420 ang pasahe patungong Calapan City; P528 mula sa dating P468 sa Montenegro shipping habang P530 mula sa dating P450 na ang kada pasahero sa Starlite Ferries.
Nagpag-alaman din na may ilan pang biyahero na hindi nakasakay dahil sa napakamahal na pasahe na ipinatupad nang wala umanong abiso sa publiko.
Samantala, wala pang tugon si transportation Secretary Jaime Bautista, maging si Undersecretary for Maritime Sector Elmer Sarmiento at maritime Industry Authority Administrator Hernani Fabia sa hinaing ng mga pasahero.