Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na sagabal sa maganda sanang programa ni dating Pangulong Corazon Aquino ang hindi nito pagsama sa lupang pagmamay-ari mismo ng pamilya sa Land Reform program.
Tinutukoy ng pangulo ay ang Hacienda Luisita na kaniyang tinawag na “Fly in the Ointment” o nangangahulugang drawback o balakid.
Sa talumpati sa harap ng mga dating rebelde sa Jamidan, Capiz, sinabi ng pangulo na malaking iregularidad ang hindi pagsama sa Hacienda Luisita sa Land reform program na sentro ng Social Legislative agenda ng administrasyon nuon ni Aquino.
Nuong 2011, ipinag utos na ng Korte Suprema ang pamamahagi ng 4,915 ektaryang lupain ng Hacienda Luisita sa mga benepisyaryong magsasaka.
Ngayong taon lamang, buwan ng Agosto, nakumpleto ang distribusyon ng natitirang 112 ektaraya ng nasabing lupain sa Land reform beneficiaries.