Maiiwasan sana ang Hacienda Luisita massacre kung isinama ni dating pangulong Corazon Aquino ang nasabing plantasyon ng tubo na pag-aari ng kanilang pamilya sa land reform program ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga negosyanteng Filipino-Chinese sa Malakanyang.
Ayon kay Pangulong Duterte, aabot sa mahigit 100 magsasaka ng tubo ang namatay sa Hacienda Luisita massacre na hindi aniya mangyayari kung naisama sa reporma sa lupa ang nabanggit na hasyenda ng pamilya Cojuangco.
Iginiit ng pangulo, nasa posisyon at kontrol aniya ito noon ng namayapaang dating pangulong.
Magugunitang kamakailan ay binatikos na rin ni Pangulong Duterte ang ipinatupad na legasiya sa reporma sa lupa ni dating pangulong Corazon Aquino.