Arestado sa Malaysia ang isang lalaking nahaharap sa kasong pag-hack ng personal data ng mahigit 1,000 US officials at ipinasa sa ISIS sa Syria na posibleng maging target nito.
Kinilala ng Malaysian police ang suspek na si Ardit Ferizi, 20-anyos at mula sa Kosovo.
Sinasabing pumasok ang suspek sa Malaysia noong August 2014 para mag-aral ng computer science at forensics.
Ang suspek na nakatakdang i-extradite sa Estados Unidos ay nakipag-ugnayan umano sa isang ISIS member sa Syria hinggil sa hacking servers na naglalaman ng impormasyon at mga detalye ng US security personnel.
By Judith Larino