Patuloy umano ang ginagawang pag-hack sa website ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), kung saan ang pinakabagong sinabotahe ay ang master list ng mga rehistradong botante na matatagpuan sa precinct finder base ng poll body.
Gayunman, nilinaw ni Ronald Aguto Jr., hepe ng NBI Cybercrime Division, walang dapat ikabahala sa nabanggit na pangyayari dahil ang tinarget ng mga hacker ay hindi naman nagtataglay ng mahalagang na datos.
Ayon kay Aguto, ang master list ay isang public record na ang access ay hindi dapat ipagkait sa mga mamamayan.
Tiniyak naman ni Aguto na ang pinakahuling hacking incident ay hindi makakaapekto sa tunay na bilang ng mga registered voter ng COMELEC dahil intact pa rin ang master list.
By Jelbert Perdez | Aya Yupangco (Patrol 5)