Pumalo na sa 72 katao ang nasawi sa pananalasa ng super typhoon hagibis sa japan.
Ayon kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, inaasahan na mas tataas pa ang bilang sa pagpapatuloy ng ginagawang search and rescue operations.
Sa ngayon ay wala pa ring supply ng kuryente at tubig sa bahagi ng Japan na matinding natamaan ng bagyo.
Samantala, nasa higit 100,000 na ang ipinadalang mga sundalo at rescue personel para sa patuloy na rescue operations.