Malubha ang naging pinsala sa bayan ng Hagonoy, Davao Del Sur sa pagtama ng 6.9 na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Hagonoy Mayor Franco Calida, mahigit 40 mga establisyemento at kabayahan ang totally damaged.
Habang mahigit 500 pamilya naman ang inilikas mula sa mga barangay na malapit sa dagat.
Tumuloy ang mga ito sa malaking simbahan dahil nasira din ng lindol ang gym at mga paaralan na nagsisilbing evacuation centers.
Hirap din sa isinasagawang clearing operations sa mga kalsada dahil sa patuloy na aftershock na nararamdaman sa lugar.
Kaugnay nito, umapela ang alkalde ng mabilisang ayuda mula sa gobyerno.
Sana ay madalian ang pagpapadala ng kahit anong bagay para maibigay natin sa ating mga evacuate, syempre hindi sila nakakabalik sa kanilang bahay, dahil sa totally damaged, e, sana po ang national government ay mabigyan ng prayoridad dito sa epicenter —ang Padada, Hagonoy,” ani Calida. — sa panayam ng Ratsada Balita