Inihambing ng PAGASA ang Bagyong Ulysses sa bagyong Ondoy na tumama sa bansa noong September 2009 kung saan mahigit 4 na raan katao ang nasawi.
Ayon kay Benison Estareja weather forecaster ng PAGASA bagamat ina-assess pa nila mas maraming ulan ang naranasan sa bagyong Ulysses kumpara sa Ondoy.
Sa kanilang 24 hour monitoring ipinabatid ni Estareja na Tanay, Rizal ang tumanggap ng pinakamaraming ulan na dala ng bagyong Ulysses na umaabot sa 356 mm sumunod ang Daet, Camarines Sur na nasa 271 mm ,Infanta, Quezon na nasa 255 mm at Casiguran, Aurora – 238 mm
Sa Metro Manila naitala ng PAGASA science garden sa Quezon City sa 153 mm ang ibinuhos na ulan ng bagyong ulysses kumpara sa 455 mm na rainfall nuong bagyong Ondoy.
3 beses na nag landfall ang bagyong Ulysses bago ito pumasok sa Central Luzon at ang nasabing bagyo ay ika-21 bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.