Ramdam na sa Guam maging sa ilan pang bahagi ng Mariana Islands ang hagupit ng Typhoon Mangkhut.
Sarado ang mga paaralan at local government office sa Guam habang kanselado na ang biyahe ng ilang eroplano.
Ayon sa Guam Homeland Security at Office of Civil Defense, pinutol na rin ang power supply sa malaking bahagi ng Guam dahil sa inaasahang malakas na hanging dala ng bagyo.
Hinimok naman ang lahat ng residente kabilang ang mga Filipino sa Mariana Islands na manatili sa kanilang mga bahay at mag-imbak na ng mga pagkain at iba pang emergency supplies.
Tinatayang 50,000 ang naninirahan o nagtatrabahong Filipino o Filipino-American sa Guam.