Nakatakdang magsagawa ng ilang shows ang Fil-Am Hollywood actress na si Hailee Steinfeld sa Pilipinas sa susunod na buwan.
Ito ay matapos ihayag ng 19-year old singer/ actress ang excitement sa pagbisita sa bansa nito lamang Marso.
Sa anunsyo na inilabas ng MCA Music International, magkakaroon ng series of mall shows si Steinfeld sa Manila.
Isa na rito ay ang sa Eastwood Mall, Quezon City (April 8), sa Uptown Mall, Fort Bonifacio (April 9) at sa Venice Grand Canal, McKinley Hill (April 10).
Ilan sa mga hit songs ni Steinfeld ay ang ‘Love Myself’ at ‘You’re Such A’.
Bago ang kanyang music career, nakilala si Steinfeld matapos ma-nominate para sa isang Academy Award noong 2010 sa ginampanang karakter sa ‘True Grit’.
Nagbukas din ito ng ilang oportunidad sa dalaga at lumabas pa sa ibang Hollywood films tulad ng ‘Ender’s Game’, ‘Romeo and Juliet’, ‘Begin Again’ at ang hit musical comedy na ‘Pitch Perfect 2′.