Hindi bababa sa 11 ang nasawi habang nasa 100 ang sugatan sa pagtama ng magnitude 5.9 na lindol sa northern coast ng Haiti.
Ilang mga gusali at establisyemento rin sa Haiti ang nawasak bunsod ng pagyanig.
Batay sa datos ng US Geological Survey, nakita ang epicenter ng nabanggit na lindol sa layong 20 kilometers kanluran hilagang kanluran ng Port De Paix at lalim na 11.7 kilometers.
Ito na ang naitalang pinakamalakas na pagyanig sa Haiti simula ng pagtama ng magnitude 7 sa capital city nito na Port-au-Prince noong 2010 na ikinasawi ng libo libong katao.
Kasabay nito, hinimok ni Haiti President Jovenel Moise ang lahat ng tao sa hilagang bahagi ng kanilang bansa na manatili lamang kalmado.