Patay sa pamamaril si Haitian President Jovenel Moise makaraang atakihin ng mga hindi pa nakikilalang armadong grupo sa kanya mismong bahay.
Habang ang first lady naman ay sugatan at nananatili sa ospital.
Kinumpirma ito ni Interim Prime Minister Claude Joseph at nanawagan sa mga mamamayan na maging kalmado at tiniyak ang pag-aresto sa mga salarin.
Kaugnay nito, nagdeklara na si Joseph ng “state of siege”.
Sa ilalim nito, lahat ng borders ay nakasara at pansamantalang ipinapatupad ang martial law kung saan ang mga kapulisan at militar ang mangunguna sa pagpapatupad ng batas. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico