Pinaplantsa na ng Department of Energy (DOE) ang mga hakbanging lulutas sa aberyang dulot ng serye ng mga insidente nang pagnipis ng supply ng kuryente sa Luzon.
Ipinabatid ng DOE na nag iikot na ang kanilang mga kawani sa mga plante ng kuryente partikular sa mga nakaranas ng puwersahang outage nuong Miyerkules para maibalik ang kanilang operasyon sa power grid ng rehiyon.
Nakipag-usap na rin ang DOE sa energy players tulad ng Meralco kaugnay sa posibilidad na buksan ang kanilang generators para makatulong sa pag abot ng required capacity at voltage ng kuryente.