Pinapurihan ng Commission on Human Rights (CHR) ang hakbang ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ma-decongest ang mga bilangguan sa bansa.
Ginawa ng CHR ang pahayag kasunod nang panawagan na sanay magpasa ang bagong administrasyon ng batas na bubuo sa National Preventive Mechanisms (NPM).
Matatandaan na sinabi ni BJMP spokesperson Jail Supt. Xavier Solda, na bumaba na sa 397% ang congestion rate sa mga piitan ngayong buwan ng Hulyo.
Subalit ayon kay CHR executive director atty. Jacqueline Ann De Guia, na medyo mabagal ang pagbaba ng Jail decongestion ngayong taon dahil base sa Commission on Audit (COA) annual audit reports, umabot sa 403% noong 2020 ang pagbaba ng jail congestion sa bansa mula sa dating 438% sa taong 2019.
Dahil aniya sa slow improvement na ito nananatili paring hamon ang siksikan ng mga bilanggo sa mga BJMP na nagdudulot ng negatibong impact sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) dahil maaring hindi na masunod ang manual on habitat, water, sanitation at kitchen in jails at ang united nations standard minimum rules for treatment of prisoners.
Bunsod nito hinimok ng CHR ang pamahalaan na madaliin ang isinasagawa nilang decongestion sa pamamagitan ng penal reform, gaya ng non-custodial alternatives to detention for minor cases, pagpapabilis ng pagpapalaya sa mga qualified detainees at ang pagtatayo ng mga bagong pasilidad.