Magsasagawa ng en banc session ang COMELEC o ang Commission on Elections sa Martes ng susunod na linggo, Setyembre 26.
Ito’y para talakayin ang pagdaraos ng barangay at SK o Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre makaraang maipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang nagpapaliban dito sa susunod na taon.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, nasa humigit kumulang 600 milyong piso na ang kanilang nagagastos para sa paghahanda sa nasabing halalan.
Kasunod nito, pinalilinaw din ni Bautista sa mga mambabatas kung nakasaad sa ipapasang batas ang paraan ng pagpili o pagtatalaga ng mga uupong mamumuno sa mga barangay habang hinihintay pa ang halalan para rito.
—-