Suportado ng National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) ang naging hakbang ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa pagdaraos ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre a-5, ngayong taon.
Nanawagan ang NAMFREL sa Kongreso, na ituloy pa rin ang nakatakdang pagdaraos ng BSK election dahil naniniwala sila na ang mga balota ang tunay na boses ng publiko, na siyang mahalagang sangkap sa pagkamit ng demokrasya ng bansa.
Iginiit ng NAMFREL na hindi dapat maisakripisyo ang kalayaan ng mga botante na pumili ng karapat dapat na mamuno sa kanilang lugar.
Sinabi pa ng NAMFREL na kahit pa makatitipid ang bansa kung ipagpapaliban ang halalan sa barangay at SK ay mahalaga paring marinig ang boses ng taumbayan.