Pinuri ng International Group na Human Rights Watch ang ginawang hakbang ng International Criminal Court na ituloy ang imbestigasyon sa kampanya laban sa iligal na droga sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Maria Elena Vignoli, Senior Counsel ng HRW, masisiguro na ang accountability ng gobyerno ng Pilipinas sa Alleged Crimes Against Humanity sa pamamagitan ng drug war.
Tila hindi pa umano seryoso ang bansa sa pagbibigay hustisya sa mga naging biktima ng Anti-Illegal drug war, kaya hindi pa rin napapanagot ang dapat makasuhan.
Matatandaang hanggang Mayo a-31 , aabot na sa 6, 252 drug suspect ang namatay sa ilalim ng drug war operation sa Pilipinas.