Umaasa ang Malakaniyang na tuluyan nang makakamit ng pamilya ng SAF 44 ang katarungan sa desisyon ng Ombudsman na kasuhan ng kriminal ang dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Mamasapano Incident.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella iginagalang nila ang hakbang ni Ombudsman Conchita Carpio Morales dahil mandato nito na imbestigahan ang mga opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Abella na kinikilala ng pangulong Rodrigo Duterte ang kabayanihan at sakripisyo ng mga napatay na miyembro ng PNP SAF.
Tiwala aniya silang ang nasabing hakbang ng Ombudsman ay magbibigay daan sa closure ng insidente bilang bahagi nang paghihilom ng sugat sa sinapit ng SAF 44 mula sa kamay ng mga rebeldeng Moro sa Maguindanao.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Hakbang ng Ombudsman iginagalang ng Malacañang was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882