Tiniyak ng Japan ang todong suporta nito sa kampaniya ng Administrasyong Duterte kontra terorismo gayundin sa ginagawang rehabilitasyon at muling pagbangon ng Marawi City.
Sa sabayang pulong balitaan nila Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Pangulong Rodrigo Duterte, pinapurihan ni Abe ang pagsusulong ng pamahalaan para sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng Mindanao.
Kasunod nito, nangako si Abe ng agarang tulong para sa reconstruction at restoration ng Marawi City mula sa limang buwang bakbakan sa pagitan ng puwersa ng militar at ng teroristang Maute group.
Handa rin aniyang sumama ang Japan sa iba pang bansa na kasapi ng ASEAN para gumawa ng mga hakbang tulad ng counter terrorism at security measures upang mapatibay ang ugnayan at pagbabantay sa pagtatanggol sa mga teritoryo.