Pinapurihan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang hakbang ng Philippine National Police na isailalim sa re-training ang mga Pulis Kalookan upang mapangalagaan ang integridad ng buong institusyon.
Sa kabila nito, umaasa si David na masasampahan ng kaukulang kaso ang mga pulis na umabuso sa kanilang tungkulin.
Ayon sa Obispo, mapo-protektahan lamang ng PNP ang kanilang integridad sa pagdidisiplina at pagpaparusa sa mga pulis na lumalabag sa kanilang mandato.
Magugunitang ipinag-utos ni NCRPO Chief, Dir. Oscar Albayalde ang pagsibak sa 62 pulis ng Caloocan City Police Sub-Station 7 dahil sa inilunsad na raid nang walang search warrant at inaakusahan ng pagnanakaw.
SMW: RPE