Igagalang ng Malakanyang ang naging hakbang ng Estados Unidos na ipatigil muna ang pag-iisyu ng visa sa mga Pilipino sa loob ng isang taon dahil umano sa isyu ng human trafficking at overstaying.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kanilang kikilalanin ang mga patakarang ipatutupad ng Amerika gayundin sa iba pang mga bansa.
Hindi lamang umano maaatim ng pamahalaan kung magiging dehado ang mga Pinoy kung saan kakailanganin na nilang kumilos.
Ngunit kung ang isang Pinoy naman ang lumabag sa batas ng Amerika ay kailangan nitong harapin ang kaukulang parusa.