Mas paiigtingin pa ng Bureau of Customs-port of Davao (BOC-Davao) ang kanilang hakbang laban sa iligal na droga sa mga kargamentong ipinupuslit sa kanilang mga pantalan.
Kasunod ito ng pagkakasabat ng ahensya sa P1.3 million na halaga ng high grade marijuana at liquid marijuana kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency 12 o (PDEA 12) sa sub-port nito sa General Santos City noong Hulyo a-27.
Sa pahayag ng BOC-Davao, unang idineklara bilang cooking set, mula sa Estados Unidos ang mga shipment pero naang inspekisyunin, dito na tumambad ang 927 gramo ng high-grade marijuana at 22 piraso ng vape cartridge na naglalaman ng liquid marijuana.
Tinitignan na ng ahensya ang posibleng kasabwat ng ‘di pinangalanang claimant na nahuli sa pamamagitan ng delivery operation.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inarestong suspek.