Ipinagbunyi ng Malakanyang ang adoption ng 195 bansa sa United Nations Climate Rescue Accord sa katatapos lamang ng 21st Conference of Parties sa Paris, France.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, suportado ng Pilipinas ang naturang hakbang upang labanan ang epekto ng climate change.
Dahil anya rito ay maririnig na ang lahat panig pagdating sa kampanya kontra sa pabago-bagong panahon.
Kabilang sa mga basic agreement sa 5 major points ay ang global temperature goal na 1.5 degrees; pagkakabilang ng human rights bilang pangunahing prinsipyo at loss and damage article na titiyak sa recovery ng mga komunidad.
By: Drew Nacino