Pumalo sa P1.2M na halaga ng ari-arian sa sumiklab na sunog Barangay Calamba Cebu City, sa gitna ng pagdiriwang ng bagong taon.
Ayon kay Fire Officer III, Emerson Arceo, imbestigador ng Cebu City Fire Station, posibleng dahil ito sa electrical short circuit lalo na’t ancestral house pa ang natupok ng apoy.
Sinabi naman ng nasunugan na hindi sila nagsindi ng anumang paputok kasabay ng pagsalubong sa New Year.
Patuloy pa rin iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog. —sa panulat ni Jenn Patrolla