Nagmahal na rin ang cremation kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, dahil sa Oil Price Hike.
Halimbawa na lamang sa Caloocan City, sumampa na sa P40,000 ang halaga ng kada cremation kumpara sa dating P30,000.
Hindi pa rito kasama ang urn, na nasa P2,000 hanggang P13,000 depende sa materyales at disenyo, maging ang gastos sa funeral services.
Sa isang kilalang punerarya sa Quezon City, naglalaro sa P66,000 hanggang P99,000 ang cremation pero posibleng magmahal ito dahil sa taas ng presyo ng krudo, lalo ng diesel.
Karaniwang gamit ng mga funeral service sa cremation ay diesel kaya’t aminado ang mga may-ari at nangangasiwa ng mga punerarya at crematorium na hindi nila maiiwasang magtaas ng presyo.
Nananatiling mura ang cremation kumpara sa karaniwang paglilibing sa mga sementeryo na nangangailangan pa ng lote o lupang bibilhin.