Umabot na sa mahigit 500 bilyong piso ang halaga ng epektong idulot ng climate change sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Robert Borje, Vice Chairperson at Executive Director ng Climate Change Commission, lumala ang epekto ng climate change sa bansa maging sa iba pang developing countries.
Sinabi ni Borje na ang Pilipinas ang nakararanas ngayon ng severe weather and climate matters kung saan, aabot sa 1.6 billion dollars o katumbas ng 60% na budget ang naitalang pinsala sa agrikultura sa mga nagdaang bagyo sa bansa.
Dahil dito, nasa 60 hanggang 65% na mga Pilipino ang apektado bunsod ng climate change.