Aabot sa 17 milyong piso ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang pekeng produkto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang mall sa Binondo sa Maynila.
Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng ulat na mayroong mga smuggled at pekeng kagamitan ang itinatago sa isang mall.
Matapos ang isinigawang raid ay nakumpiska nila ang mga pekeng produkto ng ilan sa mga pinakakilalang luxury brands.
Nagpadala na ang mga opisyal ng mga samples para maberipika ng mga brands kung peke ang mga ito o hindi.
Magugunitang noong Oktubre ay itinurn – over ng BOC sa Intellectual Property Rights Division at Armed Forces of the Philippines ang mga pekeng produkto na nagkakahalaga naman ng halos 58 milyong piso.