Umabot na sa mahigit P37 million ang halaga ng mga nasirang agrikultura sa bansa, matapos ang mga naranasang pagbaha sa ibat-ibang lugar dahil sa mga pag-ulan.
Base sa ulat ng Department of Agriculture (DA), nasa 1,559 na mga magsasaka ang labis na naapektuhan sa mga lugar ng Sultan Kudarat, Sarangani, at Zamboanga del Sur sa Mindanao, habang nakaranas naman ng flashfloods sa bahagi ng Banaue, Ifugao sa Northern Luzon.
Winasak naman ng mga pagbaha ang 882 metric tons na mga pananim mula sa 1,700 hectares na agricultural area.
Labis ding naapektuhan ang mga aning palay, livestock at high-value crops.
Patuloy namang inaalam ng DA ang kabuuang halaga ng mga nasira sa sektor ng agrikultra.