Ibinunyag ng pamunuan ng Meta Platforms Inc. na umabot na sa mahigit P126 million ang kabuoang bilang ng nagastos ng bansa para sa 70,000 ads o online advertising platform na ginawa ng Google.
Nabatid na mula nang ipinakilala ang bagong pangalan ng Facebook ay nakapagtala na ng kabuoang 69,660 na political at electoral ads ang Pilipinas mula pa noong August 2020.
Base sa Meta representatives, ang naturang advertising transparency tool ay ginagamit upang makita kung anong ads ang umiikot o ginagamit sa social media sa kasagsagan ng election period at kung magkano ang halaga ng ginagastos ng mga kandidato at partido.
Dahil dito, nagpaalala ang Comelec kung saan, sa ilalim ng Resolution No. 10730, pinagbabawalan ang mga kandidato na gumamit ng microtargeting.
Sa ngayon, nakikipagtulungan na ang meta sa Comelec kaugnay sa mga kandidato at mga partidong gumagamit ng ads. —sa panulat ni Angelica Doctolero