Papalo na sa mahigit P80-M halaga ng supplies ang naipamahagi na ng Department of Health para sa mga apketado ng pag-alburuto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga ito ay kinabibilangan ng 100,000 N-95 masks, hygiene kits, assorted medicines at jerry cans.
Nakapagsagawa na rin ang Health Department ng COVID-19 vaccination sa mga evacuation centers bukod sa konsultasyon at disease surveillance na bahagi ng kanilang medical response.
Patuloy naman na minomonitor ang sitwasyon sa dalawang lugar kung saan nakataas pa rin ang Code White sa mga ito.
Sa ilalim ng Code White, buong pwersa ng mga medical personnel kahit ang mga naka-off duty at on-call ay kinakailangang rumesponde kung kinakailangan.