Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PMGEN. Vicente Danao, na umabot na sa mahigit P 5-B ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga sa loob ng 13 buwang operasyon.
Ayon kay Danao mula noong November 10, 2020 hanggang December 12, 2021, sa ikinasang 12, 597 na Anti-Drug operations ay nagresulta ng pagkakakumpiska ng mahigit 839, 475 na gramo ng shabu.
Umabot naman sa mahigit 568, 233 na gramo ng marijuana ang nakumpiska na nagkakahalaga ng mahigit P68, 187, 980; nasa mahigit P27-M naman ang halaga ng nakumpiskang ecstasy habang 286.10 na gramo ng cocaine din ang nasamsam na nagkakahalaga ng mahigit P1.5-M.
Tinitiyak naman ni Danao na magpapatuloy ang kanilang operasyon kontra sa iligal na droga para sa kapayapaan at kaayusan sa Metro Manila.—sa panulat ni Angelica Doctolero