Umabot na sa mahigit siyam na milyong piso ang kabuuang halaga ng naabong ari-arian sa apat na magkasunod na sunog sa Iloilo City.
Unang nasunog ang residential structure sa Brgy. Sta Cruz, Arevalo, na nagdulot ng 1.6 million pesos na halaga ng pinsala.
Nasunog din ang isang two-storey residential structure sa Burgos, La Paz na tinatayang aabot sa mahigit 4.3 million pesos ang halaga ng pinsala.
Aabot naman sa 2 million pesos ang halaga ng pinsala matapos maabo ang dalawampung bahay sa Brgy. General Hughes, Iloilo City Proper.
Nasunog din ang two-storey residential building sa Sta. Rosa Subd., Tagbak, Jaro na nagkakahalaga naman ng 971,000 pesos kung saan, nasawi ang ilang indibidwal.
Dahil dito, planong magbigay ang City Social Welfare and Development Office ng P10,000 cash assistance para sa totally burned women at P7,000 naman para sa partially damaged women. —sa panulat ni Angelica Doctolero