Pumalo na sa P4.3-M ang halaga ng napinsalang pananim sa ilang bayan sa Negros Occidental dahil sa pananalasa ng bagyong Falcon.
Ito, ayon kay Dina Gensola, mula sa Provincial Agriculture Office sa lugar, kung saan sinabi rin nitong aabot sa 676-ektaryang palayan ang nasira sa probinsya.
Bukod dito, sinabi rin naman ni Gensola na mayroon pang 400-ektaryang palayan na lubog sa baha.
Samantala, tiniyak rin naman ni Gensola na makatatanggap ang mga apektadong magsasaka ng tulong mula sa pamahalaan.