Umabot sa P13,046,480.00 ang halaga ng iligal na droga na nasabat ng mga otoridad sa loob ng isang linggo sa Cebu.
Ayon kay BGen Roderick Alba, hepe ng One-Cebu Inter-Agency Interdiction Task Force Police Regional Office, layunin ng pulisya na labanan ang kontra-droga kasama si Governor Gwendolyn Garcia at palakasin ang seguridad sa lugar.
Mapayapa anya ang pagdiriwang ng unang araw ng ‘Misa de Gallo’ sa Central Visayas sa tulong ng pamahalaan, local security team at mga volunteer group.
Nagpakalat naman ng mahigit 3K Pulis upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan.
Samantala, inaasahan ng lalawigan ang pagdagsa ng mga turista dahil sa mahabang Christmas Break. —sa panulat ni Jenn Patrolla