Aabot na sa P10 billion ang halaga ng mga nasabat na iligal na droga sa unang anim na buwan sa panunungkulan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Batay ito sa 2022 year-end report ng Department of the Interior and Local Government.
Ayon kay Interior Secretary Benjur Abalos, mahigit tatlumpung libong drug suspects naman ang inaresto ng philippine national police sa mahigit dalawampu’t apat na libong anti-drug operations.
Katuwang ng PNP sa mga nasabing operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency.
Nakapagtala rin ng maliit na bilang ng napatay sa police anti-drug operations sa nakalipas na anim na buwan.
Magugunitang nanawagan si Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng police general at colonel bilang bahagi ng paglilinis sa hanay ng PNP sa gitna nang ulat na nabuhay muli ang “ninja cops.”